1. NOONG 1633, ISINARA NG JAPAN
ANG MGA HANGGANAN NITO.
Copy !req
2. NANG LUBUSAN.
Copy !req
3. O HINDI HAPON ANG MGA MAMAMAYAN.
Copy !req
4. ANG IPINANGANAK NA MAY HALO ANG LAHI.
Copy !req
5. KAAWA-AWA.
Copy !req
6. MARUMI.
Copy !req
7. HALIMAW KUNG ITURING.
Copy !req
8. ANG ISANG ALAMAT.
Copy !req
9. NG ISANG SWORDSMAN.
Copy !req
10. NG ESPADA.
Copy !req
11. NG PAGHIHIGANTI.
Copy !req
12. Ringo!
Copy !req
13. May tao. Malaki ang salakot.
Copy !req
14. Maligayang pagdating. Kukuha ako ng tsaa.
Hindi masarap, pero mainit. Nilalamig ka,
Copy !req
15. magdadala ako ng pamunas,
kapag ganiyan ako, tumutulo ang sipon ko.
Copy !req
16. Soba na rin.
Pinakamasarap ang soba namin dito.
Copy !req
17. Tapat ako. Hindi masarap na tsaa,
masarap na soba. Mainam?
Copy !req
18. Punggok! Noodles pa, bilis.
Copy !req
19. Ubusin ninyo iyan.
Copy !req
20. Malaki ang ibinayad ko sa mga ama ninyo.
Copy !req
21. Mababawi ko iyon sa mga bahay-aliwan
pag nagkalaman kayo. Sige, kain!
Copy !req
22. Dali! Bilisan mo!
Copy !req
23. Pag may pinatay rito iyong bugaw,
mamalasin ang negosyo.
Copy !req
24. O, baka matapon!
Copy !req
25. Masarap, hindi ba?
Copy !req
26. Sa wakas!
Copy !req
27. Kumain na kayo. Ubusin ninyo!
Copy !req
28. Ano ka ba? Isang aso?
Hinahayaan mong magsilbi ang isang aso!
Copy !req
29. Patawarin mo ang anak ko.
Lagi talaga siyang nakakabasag.
Copy !req
30. - Punasan mo siya, Ringo!
- Paumanhin.
Copy !req
31. Paumanhin.
Copy !req
32. Dapat ko nang iligpit
itong asong may kapansanan.
Copy !req
33. Hindi ako aso.
Copy !req
34. Tumahol ka ba?
Copy !req
35. Kiala mo ba ako?
Copy !req
36. Ako ang bugaw na si Hachiman.
Copy !req
37. Walang bumabangga kay Hachi!
Copy !req
38. Kahanga-hanga.
Copy !req
39. Bago sa akin itong baril.
Copy !req
40. Sa harap ang bala, hindi baril ng Japan.
Copy !req
41. Disenyo ng Europa, tama ba?
Copy !req
42. Magiging ilegal na ito niyan.
Copy !req
43. Ang bugaw na si Hachiman.
Copy !req
44. Narinig ko na nga ang pangalan mo.
Copy !req
45. Bawat nayon,
lagi kang may binibiling mga babae.
Copy !req
46. May mga kakilala ka siguro
dahil may ganiyan kang armas.
Copy !req
47. Bakit napakarami mong alam
tungkol kay Hachi?
Copy !req
48. Marahil ay sinusundan kita.
Copy !req
49. Ang kilalang si Hachi
na may tanyag na baril.
Copy !req
50. Nais ko ng ganiyang baril.
Copy !req
51. Sabihin mo kung sino ang nagbenta sa iyo.
Copy !req
52. Alis na.
Copy !req
53. Sasabihin mo kung kanino mo nabili iyan.
Copy !req
54. Papalag ka sa bala nito
gamit ang espada mo?
Copy !req
55. Hindi ka karapat-dapat sa espada ko.
Copy !req
56. Kahit nga sa patalim na ito.
Copy !req
57. Kunin mo na ang baril kung nais mo!
Copy !req
58. Huwag!
Copy !req
59. Maruming baril iyon
mula sa maruming lugar. Ayaw ko noon.
Copy !req
60. Nais kong malaman
kung kanino mo nabili. Sabihin mo na.
Copy !req
61. Kay Heiji Shindo.
Binili ko iyon kay Heiji Shindo!
Copy !req
62. Heiji Shindo.
Copy !req
63. Nasaan si Heiji Shindo?
Copy !req
64. Hindi ko alam! Sumpa man.
Copy !req
65. Ikaw na isa nang bangkay
at may lahi ng demonyo.
Copy !req
66. Mukha kang onryo.
Copy !req
67. Natagpuan din kita! Hindi kita mahahabol,
pero tanda ko ang daang ito
Copy !req
68. dahil noong ikapitong kaarawan ko, umihi
ako't nawala noong papunta kami sa templo,
Copy !req
69. kaya tatlong araw akong sumama
sa mga tanuki
Copy !req
70. at kumain ng mga dahon at scarab,
at nakabisado ko ang gubat, kaya...
Copy !req
71. Umuwi ka na.
Copy !req
72. Ayaw ko sa amin!
Copy !req
73. Pakiusap. Buong buhay ko,
wala akong magawang tama,
Copy !req
74. ngunit ngayon,
alam ko na ang dapat kong gawin.
Copy !req
75. Maging isang samurai, tulad mo.
Copy !req
76. Pakiusap. Hayaan mo akong
maging alalay mo. Gagawin ko ang lahat.
Copy !req
77. Puwedeng malihis ng landas
ang tagak dahil sa hangin.
Copy !req
78. Ang tulad mo...
Copy !req
79. ay isang bagyo.
Copy !req
80. Pakiusap! Malakas ako.
Mabubuhat ko ang mga gamit mo,
Copy !req
81. at araw-araw kang makakakain
ng pinakamasarap na soba!
Copy !req
82. At gagawin ko ang lahat
ng iuutos ninyo... Master.
Copy !req
83. Kahit ano, para maging katulad mo ako.
Copy !req
84. Katulad ko?
Copy !req
85. May kapansanan ka, pero malakas ka pa rin.
Copy !req
86. Para sa naligaw sa kadiliman,
magsisilbing ilaw ang baga.
Copy !req
87. Salamat sa bagang ito.
Copy !req
88. Matagal na akong naliligaw.
Copy !req
89. Pakiusap.
Copy !req
90. Hayaan ninyong magliwanag ang landas
Copy !req
91. mula kay Heiji Shindo
patungo sa mga hinahanap ko.
Copy !req
92. Gabayan ninyo ako
hanggang sa mahanap ko sila.
Copy !req
93. Bigyan ninyo ako ng lakas
para patayin sila.
Copy !req
94. O hayaan ninyo akong mamatay.
Copy !req
95. Pakiusap, protektahan ninyo
si Amang Panday mula sa kapahamakan.
Copy !req
96. Tatalon ka?
Copy !req
97. Ituloy mo.
Copy !req
98. Tumalon ka na.
Copy !req
99. Sa tingin mo, kaya mo kami?
Copy !req
100. Isang ulila?
Copy !req
101. Alam ko kung ano ka.
Copy !req
102. Nagpakamatay ang bayaran mong ina
Copy !req
103. dahil puti ang lahi ng ama mo
na isang demonyo.
Copy !req
104. Tama ako.
Copy !req
105. Bilugan ang mata.
Copy !req
106. Tulad ng aso.
Copy !req
107. Naghagis ng yaman ang kalangitan.
Copy !req
108. Isa, dalawa, at...
Copy !req
109. Dalhin mo na ang mangkok
pag-alis mo. Salamat.
Copy !req
110. Hindi ka umalis.
Copy !req
111. May pupuntahan ka ba?
Copy !req
112. Opo.
Copy !req
113. Kung ganoon, umalis ka na.
Sige na. Paalam.
Copy !req
114. Kakaibang metal ito.
Copy !req
115. Ang lamig naman ng umagang ito.
Copy !req
116. Mainam sana kung may gagawa ng tsaa.
Copy !req
117. Mainam sana kung may kukuha
ng pangsipit ko.
Copy !req
118. Iyong mas mahaba.
Copy !req
119. Mainam sana kung may magpupukpok
para maalis ang mga dumi.
Copy !req
120. Mainam sana kung kayang sumabay sa akin.
Copy !req
121. Sige na. Huwag babagal-bagal. Sige.
Copy !req
122. Iyong sunod!
Copy !req
123. Hindi maaari ang permisong ito.
Copy !req
124. Sa asawa ko iyan.
Copy !req
125. Hindi ito maaari pag wala siya.
Copy !req
126. Iyong sunod!
Copy !req
127. Patay na siya. Gawa ko ang mga buslo.
Itinitinda lang niya.
Copy !req
128. Pakiusap. Hindi ko mapapakain
ang mga anak ko.
Copy !req
129. Alam mo ang patakaran. Bawal maglakbay
ang kababaihan kapag walang kasama.
Copy !req
130. Iyong sunod!
Copy !req
131. Ang permiso mo?
Copy !req
132. - Iyong sunod!
- Pakiusap.
Copy !req
133. Paumanhin. Maaari mo bang sabihin sa akin...
Copy !req
134. Paumanhin.
Matutulungan mo ba akong hanapin...
Copy !req
135. Tumingin ka ngang lintik ka.
Copy !req
136. Paumanhin.
Copy !req
137. May hinahanap ako,
subalit napakalaki ng Kyoto.
Copy !req
138. - Alam ba ninyo kung saan ang Shindo Dojo?
- Shindo?
Copy !req
139. Dojo namin iyon.
Copy !req
140. - Ibig mong sumapi?
- Mukha kang pulubing walang paningin.
Copy !req
141. Kung maituturo ninyo
ang daan patungo sa inyong dojo,
Copy !req
142. ipagpapasalamat ko.
Copy !req
143. Sige.
Copy !req
144. Doon, papunta sa templo.
Pag nasa tarangkahan ka na,
Copy !req
145. may karatula sa tapat ng palabas
ng mga manika.
Copy !req
146. Palarin ka sana.
Copy !req
147. Mukha kang naliligaw. Pumasok ka na.
Copy !req
148. Magpahinga ka muna.
Copy !req
149. Hinahanap ko ang Shindo Dojo.
Copy !req
150. At nakikita kong hindi ito iyon.
Copy !req
151. Mas maganda rito. Ito ang Tahanang Shindo.
Copy !req
152. Puwede mong ipamalas dito
ang husay mo sa pakikipag-espadahan.
Copy !req
153. - Malilinis namin ang dulo ng espada mo.
- Kailangan kong tanggihan ang alok ninyo.
Copy !req
154. Nagmamadali ako.
Copy !req
155. Karamihan sa mga lalaki, sumusunggab muna
bago magtanong ng presyo.
Copy !req
156. Namumukod-tangi ka.
Copy !req
157. Magalang, malambing.
Copy !req
158. Pero mapagmatigas.
Copy !req
159. Sige, binata.
Dumako ka pasilangan sa Ilog ng Kamo.
Copy !req
160. Dumaan ka sa tulay patungo
sa templong may mga estatwa.
Copy !req
161. Nasa kasunod na burol iyon.
Copy !req
162. Sana'y malaki ang kitain ninyo ngayon.
Copy !req
163. Magkano ang isang gabi?
Copy !req
164. Kung tatlong gabi?
Copy !req
165. Bayad na lahat.
Copy !req
166. Kami na ang bahala sa iyo.
Copy !req
167. May nakatalik ka na bang babae noon?
Copy !req
168. Kailangan mo lang matuto.
Copy !req
169. Bilugan, hindi lawlaw, parang kalabasa.
Copy !req
170. Maaari mo itong panggigilan.
Copy !req
171. Ito naman, kailangan mong maging marahan,
malambot gaya ng hinog na mga melon.
Copy !req
172. Mahilig ka ba sa mga melon?
Copy !req
173. Mga melon.
Copy !req
174. Magbigay-daan. Padaanin si Prinsesa Akemi!
Copy !req
175. Magbigay-daan!
Copy !req
176. Ama, alam kong walang kapintasan
ang inyong karunungan.
Copy !req
177. Buong puso akong sumusunod sa inyo.
Copy !req
178. Magiging pabaya ako
kung hindi ko ipababatid ang nais ko.
Copy !req
179. Nakausap mo ba siya, Seki? Sabihin mo!
Copy !req
180. Mabuti naman ako, Akemi-sama.
Salamat sa pagkumusta.
Copy !req
181. Kaninang umaga,
hindi maganda ang naging tono ko,
Copy !req
182. at ngayon, ipinasundo ka niya sa akin.
Copy !req
183. Kapag kinausap mo siya, tandaan mo,
dapat masigla ang tono mo.
Copy !req
184. Magsalita ako na tila isang paslit?
Copy !req
185. O isang babae na may layuning makuha
ang ninanais niya.
Copy !req
186. Ama, patawarin ninyo ako
sa aking paggambala...
Copy !req
187. Magiging mahusay na panginoon si Tomoe
balang-araw. Ginagawa niya ang nais niya.
Copy !req
188. Sa ngayon, nais magkalat ni Tomoe!
Copy !req
189. Pero ikaw, aking yaman,
Copy !req
190. may iba kang tungkulin, hindi ba?
Copy !req
191. Ang gumawa ng mga alyansa sa pamamagitan
ng pagiging isang mabuting asawa.
Copy !req
192. Nakarating sa akin na naniniwala kang
maaari kang mamili ng papakasalan mo.
Copy !req
193. Ama, alam kong walang kapintasan
ang inyong karunungan,
Copy !req
194. at buong puso akong sumusunod sa inyo,
subalit magiging pabaya ako kung...
Copy !req
195. Alam mo ba ang mangyayari
kapag pinakain mo ng matamis ang baboy?
Copy !req
196. Malamang hindi.
Copy !req
197. Naging magaan ang pamumuhay mo.
Copy !req
198. Hindi ka pa nakakita ng putik sa kural.
Copy !req
199. Ang iyong ama, hindi tulad ng ama kong
tagapag-alaga ng baboy.
Copy !req
200. Kapag nabigyan ng sobrang matamis
ang baboy,
Copy !req
201. mabubulok ang ngipin noon.
Magnanana ang gilagid.
Copy !req
202. Aabot sa utak noon ang impeksiyon,
at dapat nang patayin bago pa lumaki.
Copy !req
203. Hindi masisisi ang baboy.
Kakain lamang iyon nang kakain.
Copy !req
204. Kasalanan iyon ng nag-aalaga...
Copy !req
205. na mas may karunungan.
Copy !req
206. Isa ba akong baboy, Ama?
Copy !req
207. Nais mo ng asukal
kahit may iba kang pagpipilian.
Copy !req
208. Maraming panginoon
ang nakapansin sa iyo at nagtanong.
Copy !req
209. May balita kaninang umaga.
Copy !req
210. Kailangan ni Panginoong Saito ng bagong
asawa dahil namatay sa panganganak.
Copy !req
211. Matanda na siya!
Lasenggo at mahilig sa mga bayarang babae!
Copy !req
212. Kumikita si Panginoong Saito
ng 100,000 koku!
Copy !req
213. Iyan ba ang katumbas kong halaga?
Copy !req
214. Kapag hindi kita ipinakasal, makakasama
mo lamang din siya sa bahay-aliwan.
Copy !req
215. Pipiliin mo bang maging asawa niya
o maging bayarang babae niya?
Copy !req
216. Ama.
Copy !req
217. Alam kong walang kapintasan
ang inyong karunungan.
Copy !req
218. at buong puso akong sumusunod sa inyo.
Copy !req
219. Natatakot ako,
dahil sa malayong lugar sila nakatira,
Copy !req
220. at hindi ko kakayaning mapalayo
sa aking ama.
Copy !req
221. Pakiusap po, pumili kayo
ng nakatira sa malapit.
Copy !req
222. Iyong alam ninyong poprotektahan ako
at ang interes ng ating angkan.
Copy !req
223. Mahal kong kalapati.
Copy !req
224. Inosente ka nga pala.
Copy !req
225. Wala kang alam sa mundo.
Copy !req
226. Iyong may alam marahil sa hirap ng buhay
at pakikipaglaban tulad ninyo.
Copy !req
227. Isang nakakita na ng kural.
Copy !req
228. May binanggit si Seki na matapang
at hindi pa nagagaping batang samurai.
Copy !req
229. Pero labis din magsalita si Seki.
Copy !req
230. "Pinakamahusay na swordsman
sa paaralan," sabi niya.
Copy !req
231. Nagwagi sa 24 na duwelo
kung saan nasawi ang bawat kalaban.
Copy !req
232. Hindi marangal ang pamilya.
Copy !req
233. Anak ng mangingisda mula Kohama,
pero naaalala ko ang sarili ko sa kaniya.
Copy !req
234. Ano nga uli ang ngalan niya?
Copy !req
235. Taigen po yata iyon.
Copy !req
236. Kung tunay ngang mahusay siya,
malaking suweldo ang iaalok sa kaniya.
Copy !req
237. Kahit sa kastilyo rito, malapit sa ama mo.
Copy !req
238. Sana lang mas mahusay siya
sa pagbabawal sa iyo sa matatamis.
Copy !req
239. - Isa, dalawa, tatlo.
- Isa, dalawa, tatlo.
Copy !req
240. Ginto? Nakamamangha.
Copy !req
241. Labis na iyan.
Minatamis lamang ang aking dala.
Copy !req
242. Nagapi na ba
ang hindi pa nagagaping si Taigen?
Copy !req
243. Isipin mong handog ko ito sa iyo
para sa pag-iisang dibdib natin.
Copy !req
244. Pinahintulutan niya?
Copy !req
245. Sigurado ba siya? Sigurado ka ba?
Copy !req
246. Papakasalan ng anak ng panginoon
ang anak ng isang mangingisda.
Copy !req
247. Kahit anak ka pa ng isda,
papakasalan kita.
Copy !req
248. Hindi na kami tumatanggap
ng mga mag-aaral. Sa iba na lamang.
Copy !req
249. Hindi ako mag-aaral. May mensahe ako
para sa master ng Shindo Dojo.
Copy !req
250. Kailangang ako mismo ang maghatid.
Copy !req
251. Maaari mong iwan ang mensahe sa akin.
Copy !req
252. Kailangang sa master lamang sabihin
ang mensahe.
Copy !req
253. Tinitiyak ko sa iyo,
ang para sa master, para din sa akin,
Copy !req
254. at tinitiyak ko rin sa iyo
na hindi siya humaharap sa mga mensahero.
Copy !req
255. Haharap siya sa akin.
Copy !req
256. Nasa harap ka ng Paaralang Shindo.
Copy !req
257. Sa loob ng 200 taon,
itinuro namin dito ang Shindo-Ryu,
Copy !req
258. mga lihim na pamamaraang
ipinamana ni Padre Soto,
Copy !req
259. na itinuro mismo sa kaniya
ng mahiwagang Tengu sa Bundok ng Kurama.
Copy !req
260. Magpakita ka ng paggalang.
Copy !req
261. Kailangan kong ipilit.
Copy !req
262. Ihatid ninyo siya
sa kahit saang lugar na malayo rito.
Copy !req
263. Tayo na, pulubing hindi nakakakita.
Copy !req
264. Dapat pakainin ninyo
ang manlalakbay na pumasok dito.
Copy !req
265. Nanggaling ako sa malayo.
Gutom na gutom na ako.
Copy !req
266. Baka naman nagbago na ang Shindo Dojo?
Copy !req
267. Pakainin siya.
Copy !req
268. At palabasin na ninyo pagkatapos.
Copy !req
269. Kumain ka.
Copy !req
270. At umalis ka na.
Copy !req
271. Ipakita mo ang lahat.
Copy !req
272. Para magawa ang tamang espada,
dapat alam ko ang gagawin doon ng samurai.
Copy !req
273. Lahat ng pamamaraan niya.
Copy !req
274. Subalit isang lihim ang Shindo-Ryu ko.
Copy !req
275. Nabubunyag dito ang bawat lihim.
Copy !req
276. Ang espada ang kaluluwa ng samurai,
Copy !req
277. kaya dapat tumugma iyon sa gagamit.
Copy !req
278. Dapat matibay at manipis ang talim.
Copy !req
279. At agaw-pansin.
Copy !req
280. Tutupiin natin ang bakal upang maghalo.
Copy !req
281. Iyong naghalo, pupukpukin natin
upang luminis.
Copy !req
282. Kung mas puro ang bakal,
Copy !req
283. mas matigas iyon.
Copy !req
284. Kapag sobrang puro,
magiging marupok naman.
Copy !req
285. Dapat hayaan natin
kung paano iyon ginawa ng Diyos.
Copy !req
286. Akala ko po, dapat nating linisin.
Copy !req
287. Oo, subalit kung nasa tamang lugar
ang dumi, mainam iyon.
Copy !req
288. Malambot na bakal sa gitna.
Matigas naman sa gilid.
Copy !req
289. Kapag pinaghalo ito...
Copy !req
290. kadakilaan ang makakamtan.
Copy !req
291. Maganda ito.
Copy !req
292. Ngunit hindi ito perpekto.
Copy !req
293. Ano ba ang espada?
Copy !req
294. Kaluluwa po ng isang samurai.
Copy !req
295. Isa iyong linya.
Copy !req
296. Buhay ang nasa isang bahagi ng linya.
Copy !req
297. Ang isa,
Copy !req
298. kamatayan.
Copy !req
299. Ang ginagawa natin ang humihiwa
sa linya ng buhay at kamatayan.
Copy !req
300. Magagamit na ito sa pagluluto.
Copy !req
301. Mga kutsilyo.
Copy !req
302. Gumawa ka ng libong mga kutsilyo.
Copy !req
303. At magiging handa ka na marahil
na gumawa ng espada.
Copy !req
304. Inuukit ng panday ang pangalan niya.
Copy !req
305. Sa nakalipas na mga taon, ilang apoy na?
Copy !req
306. Hindi.
Copy !req
307. Walang makapagpapaamo
sa isinumpang bakal na ito.
Copy !req
308. Marahil ay ayaw niyan maging espada.
Copy !req
309. Nais maging espada ng lahat ng metal.
Copy !req
310. Espada?
Copy !req
311. Pinagnanakawan mo ba ako?
Copy !req
312. Hindi po ako nagnanakaw.
Copy !req
313. Ako po ay... nag-eensayo.
Copy !req
314. Bakit gugustuhin ng alalay ng panday
na mag-aral gumamit ng espada?
Copy !req
315. Dahil kailangan kong maging mahusay
na swordsman.
Copy !req
316. Kailangang ako ang maging pinakamahusay.
Copy !req
317. Iyon lamang ba?
Copy !req
318. At bakit kailangan mong maging swordsman?
Copy !req
319. Patawarin ninyo ako.
Copy !req
320. May inilihim ako sa inyo.
Copy !req
321. Isang bagay na alam ng lahat,
kayo lamang ang hindi.
Copy !req
322. Alam kong hindi ka kaaya-aya.
Copy !req
323. Ano naman ngayon?
Copy !req
324. Wala kayong paningin,
Copy !req
325. kaya hindi ninyo nakikita
ang nakahihiyang hitsura ko.
Copy !req
326. Ako
Copy !req
327. ay gawa sa halo-halong bakal.
Copy !req
328. Kahit anong pukpok ang gawin sa akin,
marumi pa rin ako.
Copy !req
329. Bago ako isilang, sa buong Japan,
may apat na puti ang lahi.
Copy !req
330. Mga lalaking nangangalakal ng armas,
droga, at laman.
Copy !req
331. Ang isa sa kanila, kinuha ang aking ina
Copy !req
332. at ginawa ako...
Copy !req
333. na isang halimaw.
Copy !req
334. Isang kahihiyan.
Copy !req
335. Hindi ko alam ang mga pangalan nila.
Copy !req
336. Pero ang kapalaran nila, alam ko.
Copy !req
337. Ako ang papatay sa kanilang lahat.
Sumumpa ako.
Copy !req
338. Ano ang itinuro ko sa iyo
tungkol sa bakal?
Copy !req
339. Pinaghalong bakal
ang pinakamalakas na espada.
Copy !req
340. Malambot at matigas.
Copy !req
341. Puro at may bahid.
Copy !req
342. Maaaring kahiya-hiya ka.
Copy !req
343. Maaari ring malakas ka.
Copy !req
344. Maaari kang magsanay tuwing gabi.
Copy !req
345. Hoy.
Copy !req
346. Bilis, pulubi. Lakad na.
Copy !req
347. Hindi na kayo mahihirapan kung ipapakausap
ninyo sa akin ang inyong master.
Copy !req
348. Walang kumakausap sa master.
Copy !req
349. Hangga't hindi ko nakakausap ang master
ng dojo na ito, hindi ako aalis.
Copy !req
350. Mabuti naman.
Copy !req
351. Maaari ka na naming patayin.
Copy !req
352. Ang lakas ng loob mo.
Copy !req
353. Humanda ka.
Matitikman mo ang Shindo-Ryu ko.
Copy !req
354. Ang problema sa Shindo-Ryu,
Copy !req
355. basura iyon.
Copy !req
356. Mahinang pamamaraan.
Copy !req
357. Madaling matutunan.
Copy !req
358. Madaling talunin.
Copy !req
359. Ang mga latak na pamamaraan
Copy !req
360. laban sa Lambat ng Mangingisda
ng Ryougen-Ryu.
Copy !req
361. At lalaban ka gamit ang Ryougen-Ryu?
Copy !req
362. Hindi.
Copy !req
363. Basura rin iyon.
Copy !req
364. - Saang paaralan ka?
- Ano ang ngalan mo at sino ang guro mo?
Copy !req
365. Magpakilala ka!
Copy !req
366. Mamatay ka na!
Copy !req
367. Yuyuko ka matapos mong talunin
ang mga bata?
Copy !req
368. Nilalabanan ko na ba ang mahiwagang Tengu?
Copy !req
369. Ibaba mo ang laruang iyan
at bunutin ang iyong espada!
Copy !req
370. Subalit... mamamatay ka lamang.
Copy !req
371. - Para kay Taigen!
- Para kay Taigen!
Copy !req
372. Ang anak ng panginoon.
Copy !req
373. Ang maganda niyang anak.
Hindi siya pangit.
Copy !req
374. At pinuno ng mga bantay ng kastilyo
na may suweldong 5,500 koku.
Copy !req
375. Sino ang mag-aakala?
Copy !req
376. Ako.
Copy !req
377. Taigen, bilisan mo!
Copy !req
378. May problema tayo.
Copy !req
379. May nangangahas na hamunin
ang Shindo Dojo?
Copy !req
380. Walang sinuman sa dojo na ito
ang kayang tumapat...
Copy !req
381. Mula ka sa Nayon ng Kohama.
Copy !req
382. Magkakilala ba tayo?
Copy !req
383. Pinilit mong umangat
Copy !req
384. para lang tingalain ka ng mga talunan.
Copy !req
385. Si Taigen, 24 duwelo na ang naipanalo.
Sa iyo, ilan na?
Copy !req
386. Dapat ba binibilang ko?
Copy !req
387. Patayin mo siya, Taigen.
Turuan mong igalang ang Shindo.
Copy !req
388. Kakausapin ko lamang ang inyong master
at aalis na ako pagkatapos.
Copy !req
389. Sa iyong huling hantungan ka lang tutungo.
Copy !req
390. Kung espada ito, patay ka na sana.
Copy !req
391. May bansag ka sa akin noon.
Copy !req
392. Taigen.
Copy !req
393. Hindi mo maaaring hayaan siyang
bastusin tayo o kahit ikaw.
Copy !req
394. Patayin mo na!
Copy !req
395. Takot ka bang lumaban gamit ang bakal?
Copy !req
396. Salamat.
Copy !req
397. Wala pang naging karapat-dapat
sa espada ko.
Copy !req
398. May espada ka ni Master Eiji?
Copy !req
399. Lahat pagdaraanan ang kamatayan.
Copy !req
400. Para sa iyo,
Copy !req
401. ngayon na iyon.
Copy !req
402. Tigil!
Copy !req
403. Ikaw ba ang master ng paaralang ito?
Copy !req
404. Kailangan nila
ng mas matinding pagsasanay.
Copy !req
405. May mensahe ka para sa akin.
Copy !req
406. Isang tanong.
Copy !req
407. Saan ko matatagpuan ang kapatid mong
nangangalakal nang ilegal?
Copy !req
408. Si Heiji Shindo?
Copy !req
409. Ginawa mo ang lahat ng ito
upang mahanap ang kapatid ko?
Copy !req
410. Bakit?
Copy !req
411. Si Heiji Shindo ay nasa kuta
sa Isla ng Tanabe,
Copy !req
412. na binabantayan ng Angkan ng Genken.
Copy !req
413. Ano man ang pakay mo sa kaniya,
Copy !req
414. hinding-hindi mo siya mapupuntahan.
Copy !req
415. Isa ka pa ring aso.
Copy !req
416. Salamat sa nagbabagang liwanag.
Copy !req
417. Patawarin mo ako kung ibinigay ko
ang kinaroroonan mo, kapatid.
Copy !req
418. Walang makapigil sa kaniya.
Copy !req
419. Tinalo niya ang bawat mag-aaral ko.
Copy !req
420. Kailangan pa nila
ng mas matinding pagsasanay.
Copy !req
421. Ang samurai na iyon, hindi siya tao.
Copy !req
422. Nakita ko ang mga mata niya.
Copy !req
423. Ang Apat na Pangil.
Copy !req
424. Ipahanap sa Apat na Pangil ang samurai.
Copy !req
425. Doblehin ang bayad sa kanila
at iligpit nila.
Copy !req
426. Panahon na para simulan ko ang paghahanap.
Copy !req
427. Tulad ng ginto ang paghihiganti.
Hindi iyon kinakalawang.
Copy !req
428. Makapaghihintay iyon.
Copy !req
429. Handa na po ako.
Copy !req
430. Mamamatay ka lamang.
Copy !req
431. Handa na po ako.
Copy !req
432. Handa na.
Copy !req
433. Hindi ko masusuklian ang kabutihan ninyo.
Copy !req
434. Noong sinabi ko ang kapintasan ko,
hindi ninyo ako itinaboy,
Copy !req
435. kahit na kasuklam-suklam ako
sa mata ng mga tao.
Copy !req
436. Wala akong mata, kaya...
Copy !req
437. tinatanggap kita.
Copy !req
438. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo,
Copy !req
439. Amang Panday.
Copy !req
440. Bago po ako umalis, Amang Panday,
Copy !req
441. may ipagtatapat pa ako.
Copy !req
442. Marami ka nang sinabing walang katuturan.
Copy !req
443. - Wala na dapat maiwang kasinungalingan.
- Problema mo na iyan.
Copy !req
444. - Dinumihan ko ang mga espada ninyo.
- Tahimik!
Copy !req
445. Lumapit ka sa akin
bilang isang ligaw na bata.
Copy !req
446. Kung ipipilit mong umalis,
para ka nang isang hangal.
Copy !req
447. Kung kailangan talaga,
Copy !req
448. kumuha ka ng espada.
Copy !req
449. Mayroon na po ako, Amang Panday.
Copy !req
450. Mga melon.
Copy !req
451. Ngayong season sa Blue Eye Samurai...
Copy !req
452. May mga kaaway ka na ngayon. Mayayaman.
Copy !req
453. Pinag-uusapan sa buong Kyoto
Copy !req
454. ang samurai na walang pagkakakilanlan
na sumalakay sa Shindo Dojo.
Copy !req
455. Sa tabi ko, hindi mo makikita
ang hinahanap mo.
Copy !req
456. Alam ko kung bakit pinapalayo mo ako,
pero mapagkakatiwalaan ako.
Copy !req
457. Wala akong pagsasabihan na isa kang babae.
Copy !req
458. Kapag nakita kitang muli, papatayin kita.
Copy !req
459. Napakalinis ng pagkakahiwa.
Copy !req
460. Hindi naman malala. Ikakasal tayo.
Copy !req
461. Hindi na iyon pahihintulutan ng iyong ama.
Copy !req
462. Ni hindi nga iyon duwelo.
Kaya hindi ka talaga natalo.
Copy !req
463. Marahil ay may naiwan siyang bakas.
Copy !req
464. Dahil sa iyo, natanggal ako sa posisyon
at nadungisan ang dangal.
Copy !req
465. Mababawi ko ang lahat ng iyon
kapag nadala ko ang bangkay mo.
Copy !req
466. Buong buhay ko, bilanggo ako.
Copy !req
467. Hindi ako maipapakasal sa estranghero
sa malayong lugar.
Copy !req
468. Kailangan ko lang hanapin si Taigen.
Copy !req
469. Kadakilaan ang pinapangarap ko.
Copy !req
470. Iniisip mong kaya mong maging dakila?
Copy !req
471. Ang totoo, nakita ko na
kung ano ba ang kadakilaan.
Copy !req
472. Hindi paghihiganti ang nais mo.
Hindi nag-aalangan ang paghihiganti.
Copy !req
473. May kailangan akong sabihin sa iyo.
Copy !req
474. Hindi mapapasok ang kastilyo ni Fowler.
Copy !req
475. - May mga problemang hindi malulutas.
- May alok ka?
Copy !req
476. Nakikita ko sa mga mata mo, papatay ka.
Copy !req
477. Karapat-dapat siyang mamatay.
Copy !req
478. Sampung taon kong hinintay
ang sandaling ito.
Copy !req
479. Handa na ba ang mga baril mo?
Copy !req
480. Handa na ang lahat ng iyon.
Copy !req
481. Nais kong makita ang buong ikaw.
Ipakita mo sa akin.
Copy !req
482. Huwag kang magpipigil.
Copy !req
483. Paghihiganti ang tinatahak ko.
Walang lugar ang pag-ibig o pagkakaibigan.
Copy !req
484. Balewala sa akin
ang salapi o kapangyarihan.
Copy !req
485. Wala akong balak na maging masaya.
Copy !req
486. Nais ko lang magawa ang gusto ko.
Copy !req
487. Tagapagsalin ng Subtitle:
John Vincent Lunas Pernia
Copy !req